email   password    

Mga Karaniwang Katanungan tungkol sa pagbili ng Lisensya ng Wordfast

Pwede ko bang i-install ang Wordfast sa mahigit sa isang kompyuter?
Saan ko makukuha ang "buong bersyon" ng Wordfast, kapag nakabayad na ako?
May kinatawan o dealer ba kayo sa aking bansa?
May iba pa bang paraan ng pagbabayad bukod sa nakalista sa website?
Kung bibili ako, gaano katagal ko magagamit ang Wordfast?
Paano naman kung mag-upgrade sa mga bagong bersyon?
May mga eksepsyon ba sa Gratuity clause? Halimbawa, para sa mga estudyante, mga walang trabaho atbp.?
Naglalaan ba kayo ng hotline?
Hindi umuubra ang pag-install. Ano kaya ang diprensya?
Compatible ba ang Wordfast sa ibang kasangkapan?
May iba pa bang impormasyon hinggil sa numero ng install at lisensya at sistema ng paglilisensya?

Pwede ko bang i-install ang Wordfast sa mahigit sa isang kompyuter?

Oo ang maikling sagot para sa mga free-lance na tagasalin o mga indibidwal na mamimili, at hindi naman para sa mga kumpanyang komersyal at ahensya ng pagsasalin. (Syempre, kung papalitan mo ang iyong mga kompyuter, hard disk atbp., lahat ay pwedeng libreng mag-install uli ng Wordfast, sa ilang kondisyon - pero ibang punto na ito). Tingnan ang Wordfast User License Agreement, na mas nagdedetalye, at may maraming halimbawa. bumalik sa itaas

Saan ko makukuha ang "buong bersyon" ng Wordfast, kapag nakabayad na ako?

Ang Wordfast ay isang program na subukan-mo-muna-bago-bilhin: naka-install at gumagana na ito sa kompyuter mo bago ka pa magpasyang bilhin ito. (Kung hindi gayon, i-download at i-install ang Wordfast mula sa www.wordfast.net at subukan ito). Ang bersyong hawak mo ay ang buong bersyon, ang kaisa-isang bersyon, na gumagana ang lahat ng katangian - pero hanggang 500 yunit lamang ang pwedeng pagkasyahin sa translation memory hangga't hindi ka bumibili ng numero ng lisensya, na dapat i-enter sa Wordfast. Ang aktwal na bibilhin mo ay ang numero ng lisensya na magtatanggal ng kaisa-isang limitasyon ng Wordfast. bumalik sa itaas

May kinatawan o dealer ba kayo sa aking bansa?

Wala. Ang Wordfast ay ibinebenta lamang nang direkta at on-line mula sa www.wordfast.net, para mapanatiling mababa ang presyo. Pansining maaaring may mga kapwa tagasalin sa iyong rehiyon na makapagbibigay ng batayang pagsasanay sa pagsisimulang gumamit ng Wordfast (tingnan ang Komunidad/Pagsasanay), pero ang distribusyon at pagbebenta ay sa pamamagitan lamang ng www.wordfast.net. bumalik sa itaas

Naglalaan ba kayo ng hotline?

Kapag bumibili ng lisensya, sa anumang presyo, may karapatan ka sa isang-taong hotline sa email. Para ma-access ang hotline, mag-log in mula sa www.wordfast.net > Komunidad > Mga rehistradong user gamit ang lihim na impormasyong nakalagay sa resibong tatanggapin mo kapag bumili ka. bumalik sa itaas

May iba pa bang paraan ng pagbabayad bukod sa nakalista sa website?

Pasensya na, wala. Ang Buy form sa www.wordfast.net, kapag napunan na, ay nagbibigay ng mga link sa mga ligtas na pahina para sa pagbabayad mula sa dalawang malalaking pinansyal na katuwang namin na may malinis na reputasyon na tumatanggap ng mga credit card, direktang bank transfer, tseke, at Postal Money Order (cash). Para sa mga burukratikong korporasyon na bago magbayad ay kailangan munang maghapag ng order, at pagkatapos ay tumanggap ng resibong proforma (karaniwang nasa papel), mangyaring gamitin ang contact form at abisuhan kami. Para sa lahat ng iba pa, ang resibo ay ipadadala kasama ng numero ng lisensya, kagaya ng lahat ng bentahang online.
bumalik sa itaas

Kung bibili ako, gaano katagal ko magagamit ang Wordfast?

Balido ang lisensya ng Wordfast hangga't hindi nagbabago ang numero ng "Install" na ipinakikita ng Wordfast. Ang numerong ito ay nakabatay sa mga pisikal na katangian ng kompyuter mo. Ang numero ng Install na ito ay maaaring mabago kung papalitan mo ang iyong kompyuter, papalitan o ipopormat ang hard disk (PC) o papalitan ang OS o bersyon ng Word (Mac). Sa ganoong kaso, kakailanganin mo uling palisensyahan ang Wordfast. Ang muling pagpapalisensya ay libre sa loob ng tatlong taon mula sa petsa ng pagbili. Tingnan ang Wordfast User License Agreement para sa karagdagang impormasyon.
Pagkaraan ng tatlong taon, magagamit mo pa rin ang Wordfast hangga't hindi nagbabago ang iyong numero ng Install. bumalik sa itaas

Paano naman kung mag-upgrade sa mga bagong bersyon?

Sa unang tatlong taon pagkabili mo ng lisensya, pwede kang mag-upgrade nang libre sa kahit anong mas bagong bersyon ng Wordfast. Pagkalipas ng tatlong taong ito, pwede ka namang bumili ng bagong lisensya sa presyong may diskwento, at may karapatan ka sa mga kondisyong katulad ng sa bagong mamimili, maliban sa libreng hotline. bumalik sa itaas

May mga eksepsyon ba sa Gratuity clause? Estudyante ako, makukuha ko ba nang libre ang Wordfast?

Pasensya na, walang eksepsyon sa gratuity clause. Ito ay para tiyaking patas ang pagtrato sa lahat, at mapanatiling mababa ang presyo ng Wordfast.
Kung estudyante ka, pwedeng mag-aplay ang Propesor mo para sa iyo, at para sa iba pang estudyante sa iyong klase. bumalik sa itaas

Hindi umuubra ang pag-install. Ano kaya ang diprensya?

Tiyaking binasa at ginawa mo ang sinasabi sa manwal - mas mainam na gamitin ang Ingles na manwal, na mas regular na ina-update (i-download dito). Tingnan ang mga bahagi ukol sa "Installation" at "Troubleshooting".
Kung hindi umubra ang nasa itaas: Sa Ms-Word, i-type ang Alt+F11 (o gamitin ang Tools/Macros/Visual Basic Editor menu) para buksan ang Visual Basic window. Gamitin ang Tools/Options dialog box, pumunta sa "General" tab. Lagyan ng tsek ang pinakahuli sa tatlong pagpipilian sa grupong "Error recuperation" (sinasabi rito na "Stop on unknown errors only". Itsek ang dalawang checkbox sa grupong "Compilation". Isara ang Visual Basic window. Sa Ms-Word, tiyakin uli na ang setting ng Tools/Macros/Security (kung may ganoong menu) ay naka-set sa "Low". Isara ang Ms-Word, buksan uli at subukan uli ang pag-install.
Kung hindi umubra ang lahat ng ito, at ang iyong bersyon ng Ms-Word ay 97 o mas mataas, subukang i-install ang Wordfast sa ibang kompyuter, bilang pantesting. Pagkatapos ay pag-isipang i-uninstall/muling i-install ang Ms-Word o Office sa sarili mong kompyuter. bumalik sa itaas

Compatible ba ang Wordfast sa ibang kasangkapan?

Ang maikling sagot ay oo, at ito ay isa sa mga kalakasan ng Wordfast.
Malawak ang tanong na ito (ang compatibility ay kinabibilangan ng mga TM, talasalitaan, dokumento atbp.). Para sa kumpletong artikulo kaugnay nito, i-click ang "knowledge" sa www.wordfast.net para ma-access ang Wordfast Knowledge Base. I-enter ang "Wordfast compatibility" sa Search box at magbasa ng mas maraming impormasyon tungkol sa paksang ito (mag-click dito para sa mas mabilis na access). Pwede mo ring basahin ang pahinang "Pagsasanib ng Wordfast sa Dati nang Daloy ng Trabaho" sa pahinang "mga produkto" ng www.wordfast.net. bumalik sa itaas

May iba pa bang impormasyon hinggil sa numero ng install at lisensya at sistema ng paglilisensya?

Tingnan ang detalyadong paliwanag sa Wordfast knowledge base. bumalik sa itaas

albanian | arabic | armenian | basque | bulgarian | catalan | chinese (simpl) | chinese (trad) | croatian | czech | danish | dutch | english | estonian | german | finnish | french | greek | hebrew | hindi | hungarian | indonesian | italian | japanese | korean | latvian | macedonian | norwegian | polish | portuguese | romanian | russian | serbian | slovak | slovenian | spanish | swedish | thai | tagalog | turkish | ukrainian | vietnamese | my language | (c) 2018, Yves Champollion
Yves Champollion translation localization consultant consulting. en fran├žais